Powered by Blogger.

Ogie binanatan si Sonza nang magpakalat ng fakenews: "Tumatanda na ba siyang paurong?”

 

Binanatan ng talent manager na si Ogie Diaz ang dating broadcaster na si Jay Sonza dahil sa umanoy pagpakalat nito ng pekeng balita.

Nito kasing January 12 ay nagpost si Sonza sa kanyang facebook na kung saan binanatan niya ang ‘Angat Buhay’ program ni Vice President Leni Robredo kung saan sinita niya ang pamimigay ng mga water filtration buckets sa pamamagitan ng Project H20 na naipamahagi ng OVP sa mga mamamayan ng Marawi City noong 2017.

Ayon sa facebook post ni Sonza: "ANGAT BUHAY?

I wonder if you have even drunk water from a PLASTIK NA TIMBA for a period of 1 year on a daily basis. 

Umangat ba ang Buhay mo? 

Tell us your story.

Because if you have not, then shut up and mind your own account and post your thoughts on your own wall. 

My wall, my rules.


Sigurado ako, you wont even dare do it (drink everyday from a plastic paIL) for a week.

* i do not own this picture. it came from the campaign camp of Mrs. robredo."


Kaya naman sa kanyang twitter ay binanatan ni Ogie si Sonza dahil sa post nito.

"Ano na nangyari kay Jay Sonza? Nakakalungkot. Wala na sa hulog. Tumatanda na ba siyang paurong? #AskingForAFriend." 

Dagdag pa niya sa isa pang tweet: "Hindi naman siguro nagkulang ng aruga ang mga anak at apo ni jay Sonza sa kanya, no?  Masyado nang desperado ang lolo n'yo.  Lagi na lang fake news. Kawawa naman." 

Samantala naglabas naman ng opisyal na pahayag ang Project H2O kaugnay sa naging komento ni Sonza.



"We, the brothers of the Mu Sigma Phi Fraternity, who handle Project H2O: Help To Others, are deeply concerned about the statements made by Mr. Jose Yumang "Jay" Sonza, regarding Project H2O. 

We would like to inform and reassure the general public that the water filtration buckets used in Project H20 are FOOD-GRADE, SAFE FOR USE and that NO TOXIC MATERIALS are included in their assembly"



Share on Google Plus

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments:

Post a Comment