Masayang ibinahagi ni Pinoy Big Brother winner na si Yamyam Gucong na magkakaroon sila ng baby girl ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Elaine Toradio.
Nito lamang Linggo, ni-reveal ni Yamyam sa kanyang post sa instagram sa pamamagitan ng pagpost ng ultrasound picture.
"Coming princess," ang caption niya sa pic.
Base sa larawan, noon pang Enero 5 nalaman ng nag-jowa ang kasarian ng anak.
Kabilang sa mga bumati kay Yamyam ang mga Otso housemates na sina Fumiya Sankai, Lou Yanong, at Andre Brouillette.
0 comments:
Post a Comment