Powered by Blogger.

Twitter account ni Jam Magno tuluyan ng sinuspende ng Twitter

 

Hinatulan ng "Permanent Suspension"  ng twitter ang account ng controversial social media influencer na si Jam Magno.

Ayon sa twitter,matapos raw ang kanilang maingat na pagsusuri, malinaw umano na nilabag ng naturang account ni Magno ang Twitter rules, dahilan para ito ay tuluyan nang suspendehin, samakatuwid, hindi na ito makakapag-tweet, retweet o mag-like ng anumang content, kahit pa gumawa ng bagong account.

Matatandaang naiulat noong Biyernes, Enero 21 ang pagsuspende ng Twitter Inc. sa mahigit 300 accounts na naiulat na nagpo-promote sa kandidatura ni Bongbong dahil sa patong-patong na paglabag sa ilang patakaran ng sociam media giant.


Sa isang pahayag ng Twitter, sinabi nitong binabantayan ng kanilang kampo ang mga kaduda-dudang impormasyon na layong manipulahin ang diskurso kaugnay ng eleksyon sa Mayo.

Maaalala din na sinuspende ng video sharing platform na TikTok ang account nito noong nakaraang taon.


Share on Google Plus

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments:

Post a Comment