Powered by Blogger.

Jeric Raval nagsalita na sa isyu na umanoy nanganak na si Aj Raval

 

Binasag narin sa wakas ni Jeric Raval ang kanyang katahimikan kaugnay sa isyu na umanoy nanganak na raw ang anak niyang si Aj Raval.

Matatandaan na kamakailan lang ay ibinunyag ni Ogie Diaz sa kanyang showbiz update vlog ang sinabi ng kanyang source na umanoy nanganak na si Aj.

"Ako'y nagugulumihanan. Ano ba ang paniniwalaan natin? Itong source natin na sinabing nanganak sa isang payak na ospital sa Pasig itong si AJ, na nung dumating doon eh nakatakip ang mukha. Pero hindi siya dun sa delivery room nag-deliver, ni-room in lang," sabi ni Ogie sa kanyang vlog  

Samantala sa isang panayam na base sa artikulo ng Abante, ay pinabulaan ni Jeric na na nanganak na si Aj.

Sabi niya: "Alin bang mga isyu? Mga isyu na noon pa? Actually ang tagal na niyang mga isyu na `yan.

“Nagtataka na nga ako, bakit hanggang ngayon hindi pa rin nanganganak. Ang tagal na niyang buntis. Ilang buwan na, di ba? Overdue na, ha!

“Wala, eh. Sa akin kasi, kapag artista ka, pinag-uusapan ka, okey lang `yan. Masanay na sa ganiyan. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwang tenga. Okey lang `yon." 

"At hindi na kami naapektuhan. Sanay na kami sa mga ganun.

“Pero `yun nga, sana na-interview niyo siya kanina. Hinatid niya ako rito.

“Si AJ, ayaw na lang niyang magsalita! Paulit-ulit na lang!”  

Source: ABANTE 


Share on Google Plus

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments:

Post a Comment