Powered by Blogger.

Coco Martin naispatang nakiisa sa pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo

 



Spotted ngayon ang actor na si Coco Martin na nakiisa sa Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo kasama ang mga kapwa niya deboto na nagtungo sa nasabing lugar nito lamang Enero 9. 

Maagang pumunta sina Coco at kanyang mga kasamahan sa Quiapo para sa kanilang unang araw ng taping.

"Saludo at nagpapasalamat ako sa sipag at galing ng mga kapamilya ko sa Batang Quiapo. Ito po ang aming unang taping sa Traslacion 2023," caption ni Coco sa kanyang post sa social media 

Ngunit noon paman ay isa na talagang deboto si Coco sa Itim na Nazareno at labis labis ang kanyang pasasalamat nito sa mga biyaya na kanyang tinamasa ngayon.

“Walang hanggang pasasalamat po sa Poong Jesus Nazareno sa lubos na biyaya, pagmamahal at pag gabay sa akin at sa aking buong pamilya. Higit pa sa aking hiniling noon ang binigay niyo sa akin ngayon,” ani Coco. 

Matatandaan na noong 2016 sa isang panayam, ibinahagi ni Coco ang kanyang naging experience sa naturang pagtitipon mg mga deboto.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Kaya ko ba ‘to?’ Noong ginawa na namin ‘yun, hindi ko maipaliwanag. Sabi ko nga, first time kong naramdaman na lumangoy ako sa libu-libong tao hanggang sa nahawakan ko ‘yung Nazareno," sabi ni Coco 

Narito ang video:


Share on Google Plus

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments:

Post a Comment