Powered by Blogger.

Ejay Falcon masayang ibinida ang pagbabalik teleserye matapos ang 3 years

 

Masayang ibinahagi ng dating Pinoy Big Brother winner at ngayon ay isa ng Vice Governor ng Oriental Mindoro na si Ejay Falcon ang pagbabalik niya ng kapamilya teleserye matapos ang tatlong taon.

Huling serye ni Ejay sa ABSCBN ay ang Sandugo na kung saan kasama niya si Aljur Abrenica.

Samantala sa kanyang post sa facebook, ibinahagi ng actor ang ilang larawan sa shooting niya kamakailan lang sa kaabang-abang na series na Batang Quiapo na pinagbibigahan ni Coco Martin.

Base mga larawan ay gumanap si Aj bilang isang Pulis.

Sabi pa ni Ejay sa kanyang post: "Ang Batang Mindoro sa Batang Quiapo.

"Ang pag arte ay isang propesyon na masarap balikbalikan bilang pag lingon sa aking pinanggalingan. Kaya naman pag may bukas na oras ay di pwedeng pahindian ang alok na maging bahagi ng nalalapit na serye ng nag-iisang Coco Martin. Maigsi ngunit espesyal na papel mula sa mahusay na produksyong inihahanda ng aking mga kapamilya sa ABS-CBN. 

"Sa mga nakamiss sa akin sa telebisyon, ako ay may munting handog para po ito sa inyo at sa aking mga kababayan. 

Abangan niyo po ang inyong lingkod sa Batang Quiapo soon sa ABS-CBN." 



Share on Google Plus

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments:

Post a Comment