Powered by Blogger.

Vice Ganda handang gumastos ng milyon para magkaroon ng anak

 

Nakahanda na si Vice Ganda na gumastos ng malaking halaga para magkaroon sila ng baby ni ng asawa niyang si Ion Perez.

Si Vice Ganda na may tunay na pangalan na Jose Marie Borja Viceral ay isang kilalang comedian, talk show host, television presenter, actor, entrepreneur at singer. Siya ay regular host ng noontime variety show ng ABSCBN na Its Showtime. 

Bumibida narin si Vice sa ilang pelikula at walo sa mga pelikulang niya ang considered to be the highest-grossing in Philippine cinema. 

Ikinasal narin si Vice sa kanya ngayong asawa na si Ion Perez sa Las Vegas noong October 2021. 

Sa isang vlog ni Isko Moreno ay ibinahagi ni Vice na gusto na niyang magkaroon ng baby. Dati raw ay wala pa siyang plano ukol sa pagkababy ngunit ngayon ay handang-handa na siya.

“Dati talaga no-no kahit nga ‘di biological kahit biological, no-no talaga ako. Ayoko kasing i-subject ‘yung magiging anak ko sa social injustices, sa discrimination,”sabi ni Vice 

Ibinahagi rin ni Vice na wala na siyang pakialam sa kung ano ang sasabihin ng iba ang mahalaga sa kanya ay ma-build niya ng maayos ang personality ng kanyang magiging anak.

"Until I met Ion at na-build ‘tong relationship namin and I found it really so beautiful; na sabi ko na kayang-kaya naming magka-baby “Bigla lang, ‘Ay gusto ko nang magka-baby. Wala na ‘kong pakialam sa sasabihin nila. Ang mahalaga na lang ay ibi-build ko ‘yung personality ng magiging anak ko; ‘yung character niya," kwento ni Vice 

Sa naturang interview, ibinahagi ni Vice na kumunsulta na umano siya sa mga medical experts sa Amerika. Base sa investopedia.com, tinatayang aabot sa $100,000 o 5milyon pesos hanggang $250,000 o P12,5000,000 ang pagpapa-surrogate. 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.
Share on Google Plus

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments:

Post a Comment