Powered by Blogger.

'Ang ganda niya' Dina Bonnevie kinumbinse raw si Kristine Hermosa na bumalik sa pag-artista

 

Larawan mula sa instagram Kristine Hermosa-Sotto/ Dinna Bonnevie 

Kinumbinse ni Dina Bonnevie na magbalik sa showbiz ang actress na si Kristine Hermosa. Ito ang naikwento niya sa latest vlog ni Ogie Diaz.

Si Dina Bonnevie na may tunay na pangalan na Geraldine Schaer Bonnevie-Savellano ay isang beteranang actress dito sa Pilipinas. 

Sa panayam ni Ogie Diaz sa latest vlog nito, ay ibinahagi ni Dina kung paano niya kinumbinse si Kristine na bumalik sa pag-artista at maging sa pagsali nito sa Miss Universe.

"Actually ilang beses ko siyang tinatanong e, sabi ko Tin bakit ayaw mong mag-artista ulit? Sayang, right now she's so thin. Sobrang slim, ang ganda ganda niya. Sabi ko 'yung MIss Universe ngayon pwede nang sumali kahit may asawa. bakit hindi ka sumali? Hindi na Ma, Bakit? Masaya na ako nang ganito. Masaya na kami ni Oyo ng ganito lang" sabi ni Dina 

Gusto raw ni Dina na magkasama sila nina Oyo, Kristine, Danica sa isang proyekto.

"Tinanong ko nung birthday ko, ayaw mo bang mag-artista ulit? Sabi ko, ang dream ko, Magkasama tayo sa isang soap. Ikaw, si Oyo, ako. Or si Danica kung pwede pa siya," sabi pa ni Dina 

Kung bibigyan daw ng pagkakataon si Kristine ay gusto raw niyang bumalik pero medyo light lang daw ang gusto nitong role hindi na gaya ng dati. 

"Sabi niya, okay lang ma gusto ko pa sanang mag-artista pero ayaw na daw niya ng may iyakan. Ayaw na niya, gusto niya yung light lang. 'Yung happy lang. Siguro parang comedy lang or just a light show. Ayaw na niya ng may crying crying." kwento pa ni Dina 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.
Share on Google Plus

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments:

Post a Comment