Powered by Blogger.

Coco Martin may prangkang sagot sa nagtatanong ng: "Ang init-init lagi kang naka-jacket!?"

Larawan mula sa instagram:cocomartin_ph

May prangkang sagot si Coco Martin sa mga kumukwestyon sa kanya kung bakit lagi siyang naka-jacket.

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang kilalang actor, director, at film producer. Siya ay kilala sa mga pinagbibidahan niyang teleserye gaya ng Minsan Lang Kita Iibigin, Walang Hanggan, Ikaw Lamang, Juan dela Cruz, at ang FPJ's Ang Probinsyano. Si Coco Martin sa ngayon ang kasalukuyang bida at isa rin sa Direktor ng Batang Quiapo.

Sa isang panayam ng "Sakto" kay Coco Martin, ibinahagi ng actor na kapag may gagampanan siyang role ay talagang in-character siya gaya na lamang ng pagganap niya bilang Cardo sa successful series nilang "Ang Probinsyano".

“Nakakalungkot kasi ang tagal ko ring isinabuhay si Cardo. Ang tagal ko siyang isinapuso, pitong taon. Kasi kapag gumagawa ako ng character sa buhay ko, sa mga proyekto ko, hindi siya parang damit sa akin na hinuhubad lang. Kapag sinimulan ko ang proyekto huhubarin ko ‘yung character ko pagkatapos na nu’ng project,” sabi ni Coco sa isang panayam 

Kaya aminado si Coco na nawiwiduhan siya sa mga kumukwestyon sa kanya laging pagsuot ng jacket.

“Kaya minsan nawiwiduhan sa akin ang mga tao. Sabi sa akin, ‘Ang init-init lagi kang naka-jacket’ Totoo ‘yon. Sabi ko, ‘Paano ko miaarte ang isang character kapag hindi ko isinabuhay?’ 

“Kapag isinabuhay mo siya, kapag alam mong everyday ikaw na si Cardo, hindi ka na maliligaw kahit nakapikit ka pa, kahit biglang gisingin ka pa, si Cardo ka na. 

“Wala akong magagawa ‘yon ang hanapbuhay ko. Kaya minsan anuman ang pananamit ko, eh sinasadya ko ‘yon,” sabi ng actor 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.
Share on Google Plus

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments:

Post a Comment