Powered by Blogger.

Coco Martin nagsalita na! May prangkang sagot sa mga banat ni Rendon Labador

Sinisiguro ni Coco Martin na walang naapektuhan sa shooting ng kanilang teleserye na "Fpj's Batang Quiapo".

Coco Martin sinasabing walang naapektuhan sa shooting nila ng "Batang Quiapo"  salungat sa banat ni Rendon Labador

Matatandaan kasi na naging usap-usapan kamakailan ang naging banat ni Rendon kay Coco Martin dahil sa umanoy malaking abala nito sa mga vendor sa Quiapo dahil sa shooting nila sa "Fpj's Batang Quiapo".

“Nakaka abala ka na sa mga NEGOSYANTENG VENDORS natin diyan sa Quiapo. Kung hindi mo babayaran lahat ng damages at losses sa pag gamit mo ng lugar, umalis alis ka na diyan,”banat ni Rendon kay Coco 

Sa panayam ni MJ Marfori kay Coco ay inilahad nito na nakipag-coordinate raw sila sa LGU (Local Government Unit) sa Maynila,  sa mga kapulisan at Baranggay at lalo na sa simbahan at nga Muslim.

"Nagpaalam po kami sa Mayor, sa Manila City hall meron din po kaming permiso mula sa ating kapulisan, sa barangay, pati narin po sa simbahan ng Quiapo at sa mga kapatid nating Muslim. Lahat po ‘yan naka organize, pinagpa-alaman po namin ng maayos"sey ni Coco sa interview 

Matatandaan kasi na sa Showbiz Update Vlog ni Ogie Diaz ay ipinakita nito ang reklamo ng ilang mga vendor sa Quiapo na umanoy bumaba ang kanilang sales. 

Ngunit sa vlog ni Basilyo, isa sa mga cast nang "Fpj's Batang Quiapo" ay inilahad nitong natugunan na ang tungkol sa isyu bg mga vendor.

"Lahat ng natatamaang vendors diyan, binabayaran ng production. Binabayaran ‘yung paninda nila, maubos man o hindi.” the rapper said. Mas gusto pa nga nila ‘yun kasi kota na sila, hindi na sila kakaba-kaba kung mauubos ‘yung paninda nila sa araw na ‘yon," sey ni Basilyo 

Pwede mong panoorin ang kabuuang interview dito:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.
Share on Google Plus

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments:

Post a Comment