Powered by Blogger.

Coco Martin nagsalita na kaugnay sa mga patutsada ni Rendon Labador

Nagsalita narin sa wakas si Coco Martin kaugnay sa mga patutsada ng motivitional speaker na si Rendon Labador laban sa kanya.

Coco Martin nagsalita na kaugnay sa mga patutsada ni Rendon Labador

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang kilalang actor, director, at film producer. Siya ay kilala sa mga pinagbibidahan niyang teleserye gaya ng Minsan Lang Kita Iibigin, Walang Hanggan, Ikaw Lamang, Juan dela Cruz, at ang FPJ's Ang Probinsyano. Si Coco Martin sa ngayon ang kasalukuyang bida at isa rin sa Direktor ng Batang Quiapo.   

Sa isang video ay nagsalita narin sa wakas si Coco Martin sa mga banat ni Rendon Labador laban sa kanya. Matatandaan na binanatan ni Rendon si Coco dahil sa umanoy naging perwisyo ito sa mga maliliit na negosyante sa Quaipo na umanoy naapektuhan dahil sa shooting ng teleseryeng "Fpj's Batang Quiapo".

"Hayaan n’yo na… ako naman inuunawa ko na lang sila,” matipid na sagot ni Coco nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa sunod-sunod na puna ni Rendon ukol sa nakapeperhuwisyo umanong taping ng teleserye niyang "Batang Quiapo"sa Quiapo.

Samantala inamin din ni Coco na kunin raw sana nila si Rendon at ang kapatid nito na maging parte sa naturang teleserye noong January ngunit hindi ito natuloy sa di pa malamang dahilan.

Ang naturang video ay ibinahagi mismo ni Rendon sa kanyang facebook page at ibinunyag niya na dalawang beses raw siyang inalok na maging bahagi ng Batang Quiapo ngunit hindi raw niya ito tinanggap.

Panoorin dito:

OPEN LETTER TO COCO MARTIN!!! Yes, January palang nakikipag negotiate na sila saakin para mabigyan ako ng role sa...

Posted by Rendon Labador on Thursday, 16 March 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.
Share on Google Plus

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments:

Post a Comment