Viral ngayon sa social media ang isang eksena sa Fpj's Batang Quiapo na kung saan na-ispatan ng isang netizen na dalawang beses lumitaw ang isang cast sa isang mainit na eksena.
Eksena sa Batang Quiapo na kung saan dalawang beses lumitaw ang isang cast nito viral |
Ang Fpj's Batang Quiapo ay isang action drama series na hango sa 1986 action-comedy film na may parehong pamagat na pinagbibidahan nina Fernando Poe Jr. at Maricel Soriano. Ang naturang serye ay pinagbibigahan ngayon ng hari ng primetime na si Coco Martin na isa sa mga inaabangan ng mga netizens gabi-gabi.
Ngunit sa isang eksena sa nasabing show, ay may napansin ang isang netizen na si Phao Pineda. Ibinahagi niya sa kanyang Facebook account ang isang clip na kung saan napansin niya ang isang cast sa naturang show na dalawang beses raw lumitaw sa isang eksena.
Sa nasabing eksena ay tila may hinahanap si John Estrada at mamapansin ang isang lalaki na naka-blue na may mahabang buhok sa bilyaran. Nang lumabas na si John Estrada sa bilyaran ay lumitaw ulit ang lalaking naka-blue na may mahabang buhok at hinawakan nito ang t-shirt.
Kaya napatanong ang nasabing netizen na nagpost kung magkano raw ang talent fee ng nasabing lalaki.
“Why naman ganun Batang Quiapo? Wow magic eh. How much kaya talent fee ni Kuya,”sabi ng netizen
Narito ang video:
Why naman ganun Batang Quiapo? Wow magic eh. How much kaya talent fee ni Kuya. 😂😂😂 #BatangQuiapo
Posted by Phao Claravall Pineda on Friday, 17 March 2023
0 comments:
Post a Comment